Wednesday, December 10, 2008

Kwentuhan Lang... Pasko na Naman!

Christmas!!! Malapit na ang Pasko! My most favorite time of the year! At masyado na namang busy ang mga tao... Naghahabol ng Christmas shopping ang mga may pera. Pampasikip naman ang nagwiwindowshopping (hehehe!). Naghahabol din ng mga tatapusin sa work dahil ngaung taon, mahaba ang bakasiyon!!!! Amen to that...makakauwi ako at makakapagpahinga ng mahaba. Speaking of which tiyak na nagtataasan na ang mga pamasahe lalo na sa eroplano papunta nang kung saan. Buti na lang at nakabili na kami ng aking kapatid ng ticket November pa lang. Weeeh!!! Excited na akong umuwi!!!

Ang masaya kapag Pasko, maraming Christmas parties at get-togethers. Tiyak, maraming food!!!! Overflowing for sure iyon...Meron sa work, minsan company wide, at meron din per department lang. Sa amin ngaung taon, walang company Christmas Party, nagtitipid ang kumpanya dahil sa economic crisis ng buong mundo. Kahit necessity ang tubig, nagtitipid naman ang mga tao..kaya apektado kami...Kaya Christmas Party na lang sa Taguig Business Area. May plano pang Christmas get-together with Batch 16. Ngaung day pala kami grumadwyet.. parang kelan lang un na nagkakandarapa kami para sa management presentation at preparation for the graduation... At si "changed man" Chase, nag-organie ng EK Christmas gimik kasama ng mga cadets ng TPat! Isa ka talagang batang Henyo!! Ang saya! Idagdag mo pa ang Christmas Party ng C5 Supply Zone na may GK Christmas Party sa Pinagsama... sana makasama ako dun.

Sa SFC naman, maagang Christmas Party ang naganap noong December 6. Isinabay na doon ang Lord's Day celebration and Graduation naming mga bagong pasok ng SFC. Besides doon, may isang get-together pa kami ng aking mga kasama sa discussion group. Hahaha!!! Parang hindi kami nagsasawa sa isa't-isa...Dadalo din ako sa Christmas Party para sa mga bata ng GK Sagip. First time ko ito kaya hindi ko pa alam ang mangyayari...

Pati mga college friends ko, nagbabalak din kaming magkita-kita!!! Dinner lang sa labas at kwentuhan lang ng kung ano-ano... hmmm Christmas time lang ata namin to nagagawa mula nang naghiwahiwalay kami.. busy na kasi masyado ang mga buhay-buhay! At of course, ang mahal kong Abyans at Sisses ay magtitipon-tipon din for a Christmas Party bago magsiuwian sa kanya-kanyang probinsya... aagos na naman ang alak... patibayan na lang ng atay!

Reunion ng walang sawa. Manila get-together pa lang yan ha... Ang dami pang pending na parties sa Bacolod pag-uwi kasama ng mga mahal sa buhay at mga highschool beerbuddies... Isama mo pa doon ang annual reunion ng batch at reunion din ng SILAK at SILAB. Phew!!! For sure, ang taba ko na pagkatapos ng Pasko...

Sana di kami sing taba ni St. Nick... mahirap na!!! hehehe!

No comments:

Post a Comment

Gadget

This content is not yet available over encrypted connections.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...